Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Osteoarthritis

Nangyayari ang osteoarthritis kapag nasisira at napupudpod ang cartilage sa isang kasukasuan. Maaaring dahil ito sa edad, pagkapudpod at pagkapunit, labis na paggamit ng kasukasuan, labis na katabaan, o iba pang problema. Maaaring maapektuhan ng osteoarthritis ang anumang kasukasuan, ngunit pinakakaraniwan ito sa mga kamay, tuhod, gulugod, balakang, at paa. Kabilang sa mga sintomas ang paninigas ng kasukasuan, at pananakit. Tinatawag din itong sakit na lumulubhang kasukasuan.

Pangangalaga sa tahanan

  • Kapag mas masakit ang kasukasuan kaysa karaniwan, ipahinga ito sa loob ng 1 o 2 araw.

  • Maaaring makatulong ang init na mapawi ang paninigas. Maligo ng mainit o lapatan ng heating pad sa loob ng aabot sa 30 minuto bawat pagkakataon. Kung malala ang mga sintomas sa umaga, makatutulong ang paggamit ng init pagkatapos magising sa pagpaparelaks ng kalamnan at mapaginhawa ang mga kasukasuan. 

  • Tumutulong ang yelo na mapawi ang pananakit. Madalas itong ginagamit pagkatapos ng aktibidad. Gumamit ng malamig na pakete na nakabalot sa isang manipis na tela sa kasukasuan sa loob ng 10 hanggang 15 minuto sa isang pagkakataon. 

  • Maaari ding makatulong ang halinhinang init at lamig upang mapawi ang pananakit. Subukan ito sa loob ng 20 minuto sa isang pagkakataon, ilang beses kada araw.

  • Tumutulong ang ehersisyo na maiwasang maging mahina ang mga kalamnan at litid sa paligid ng kasukasuan. Tumutulong din itong mapanatili ang paggana sa kasukasuan. Maging aktibo hanggat kaya mo. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan hinggil sa kung anong programa ng aktibidad ang pinakamahusay para sa iyo.

  • Naglalagay ang sobrang timbang ng maraming dagdag na puwersa sa mga kasukasuang nagdadala ng timbang sa ibaba ng likod, mga balakang, tuhod, paa, at bukung-bukong. Kung labis ang timbang mo, makipag-usap sa iyong tagapangalaga tungkol sa isang ligtas at epektibong programa sa pagbabawas ng timbang.

  • Uminom ng mga gamot laban sa pamamaga ayon sa inireseta para sa pananakit. Kabilang dito ang acetaminophen o mga NSAID (nonsteroidal anti-inflammatory drugs) gaya ng ibuprofen o naproxen. Huwag uminom ng mga NSAID kung sinabi sa iyo ng iyong tagapangalaga na hindi ka maaaring uminom ng NSAIDS dahil sa iba pang problema sa kalusugan. Kung kinakailangan, maaaring ipayo ang ipinapahid o itinuturok na mga gamot. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga kung hindi sapat ang mga pagpipiliang ito upang pamahalaan ang iyong pananakit. Sundin ang mga tagubilin sa lahat ng mga gamot na nabibili nang walang reseta. Kung regular kang umiinom ng mga NSAID, makipag-usap sa iyong tagapangalaga.

  • Makipag-usap sa iyong tagapangalaga tungkol sa mga device na maaaring makatulong na mapabuti ang iyong paggana at mabawasan ang pananakit.

  • Makipag-usap sa iyong tagapangalaga tungkol sa physical therapy upang makatulong na palakasin ang iyong mga kasukasuan at ang mga kalapit na kalamnan.

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow up sa tagapangalaga ng iyong kalusugan, o ayon sa ipinayo.

Kailan dapat humingi ng medikal na payo

Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mangyari ang alinman sa mga sumusunod:

  • Pamumula o pamamaga ng masakit na kasukasuan

  • Pagtagas o nana mula sa masakit na kasukasuan

  • Lagnat na 100.4ºF (38ºC) o mas mataas, o ayon sa ipinag-uutos ng tagapangalaga ng iyong kalusugan

  • Pananakit ng kasukasuan na lumulubha

  • Nabawasan ang kakayahang igalaw ang kasukasuan o pasanin ang bigat sa kasukasuan

Online Medical Reviewer: Diane Horowitz MD
Online Medical Reviewer: Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Online Medical Reviewer: Rita Sather RN
Date Last Reviewed: 5/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer